Kulminasyon ng Buwan ng Wika sa DWCU


Kulminasyon ng Buwan ng Wika sa DWCU

DSC_0063Ang mga mag-aaral, guro, mga relihiyoso at mga magulang ng DWCU ay nagbuklod sa loob ng St. Michael Gymnasium noong Agosto 31, 2017 sa ganap na 8:15 ng umaga para bigyan ng kulminasyon ang lahat ng actividades na ginanap sa Buwan ng Wika. Ang programa ay sinimulan ng panalangin ni Marjorie Gonzales, ang SSG Religion Coordinator.  Sumunod ang pagpugay sa bandila ng Pilipinas na isinagawa ng mga opisyales ng C.A.T.  Ang Pambansang Awit ay naisagawa sa pamumuno ng Saint Arnold Class – Grade 10.  Ang Punong Guro ng Elementary na si Bb. Carolina T. Sayapen ay nagbigay ng Pambungad na Salita.  Binigyan diin nya na ang DWCU ay binibigyan ng kahalagahan ang Pambansang Wika at ito ay ipinapakita sa ibat-ibang pamamaraan gaya ng pagsayaw, tula, awit, dula-dulaan, masining na pagkukwento, sabayang pagbigkas, patimpalak sa pagsayaw at awit kundiman. Sinabi rin nya na “sa pamamagitan ng programa sa Buwan ng Wika, bilang isang komunidad, ipinapakita natin ang pagmamahal natin sa Filipino bilang Pambansang Wika.”  Si Padre Roberto Ibay, SVD, ang pinuno ng DWCU ay tinawag din para magbigay ng kanyang mensahe.  Sinabi nya na ang Wika ay  ugat ng pagbabago kapag ginagamit natin ng wasto, kapag ang wika at gawa o buhay ay may pagkakaisa at maaabot ang pagbabago kapag tinatangkilik ang wikang Filipino.

Pagkatapos ng iba’t-ibang patimpalak, si Bb. Marilyn E. Abenes ay tinawag para ipaalamat ipakilala ang mga nagwagi sa Sekondarya. Si Gng. Mae Liza Cabrilles ay ang nagbigay ng pagkilala sa mga nagwagi na estudyante sa Departamento ng Kolehiyo at si Bb. Chiara B. Baltazar ang nagpakilala sa mga nagwagi sa Elementarya.

Ang paligsahan ay nagtapos sa isang panalangin na pinamunuan ni Mariel Ysabel Cando, Kalihim ng Legion of Mary. Ang mga tagapagkilala ng programa na si Maria Cassandra Pre at Rhonald Vandrin Lugo ay nagpasalamat sa lahat ng nakilahok sa programa dahil sa kanilang aktibong kooperasyon nakamit ang adhikain ng Programa ng Buwan ng Wika ngayong taon 2017.  Sinabi nila na tunay nga, na ang Wikang Filipino ay Wikang Mapagbago.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: