BANAL NA MISA SA BUWAN NG WIKA

BANAL NA MISA SA BUWAN NG WIKA

SA DWCU

IMG_2616Isang Banal na Misa ang ginanap ngayong Agosto 4, 2017 sa pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wikang Mapagbago.” Ang Banal na Misa ay may temang “Si Hesus ang Salitang Nagkatawang Tao” na pinamunuan ni Padre Leonardo P. Hiquiana, SVD, House Praeses, at pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa Elementarya. Si Padre Hiquiana rin ang nagbigay ng Homiliya kung saan isang dokumentaryo ang ipinalabas na may pamagat na “Sa Kambas ng Lipunan (Canvas of Society)” ni Joey Velasco kung saan ipinakita dito si Hesus na Salita na nagkatawang tao na patuloy na nakikita at nararamdaman sa buhay ng mga taong nahihirapan. Ipinahayag ni Padre Hiquiana na ang salita o wika ay mapagbago kung ito ay nagbibigay buhay at tumutulong sa mga taong hindi pinapansin ng lipunan.

IMG_2625Pagkatapos ng pagdiriwang ng banal misa, naganap ang pagtatalaga sa tungkulin ng mga nahalal na pinuno ng iba’t – ibang organisasyon gaya ng Supreme Pupil Government, mula sa Elementarya, Supreme Student Government mula sa Sekondarya at College Supreme Council mula naman sa Kolehiyo, gayundin ang mga nahalal na opisyal sa bawat klase at klub o samahan ng Divine Word College of Urdaneta. Ang Pagtatalaga sa tungkulin ng mga opisyal ay pinangunahan ni Padre Roberto J. Ibay, SVD, ang Presidente ng DWCU.

Ang mga bagong halal na opisyal sa bawat departamento ay ang mga sumusunod:

SPG 2017

SSG 2017

CSC 2017

Advertisements