PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2010


“Sa Pangangalaga Sa Wika At Kalikasan, Wagas Na Pagmamahal Talagang Kailangan”

***

LAKAMBINI: Robelle S. Diego * LAKANDULA: Roy Daniel Castillo

Lungsod ng Urdaneta.

Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing  Agosto kada taon sa Pilipinas. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika. Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng Divine Word College of Urdaneta mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino.


Kahalagahan ng Wika

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

HARANA 2010

Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa.

Kasaysayan

KATUTUBONG SAYAW

Noong ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio Osmeña ng Proklamasyon Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito.

Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon.

TAGISANG PANGLAKAMBINI

Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997.

Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa bansa.

Selebrasyon

ANG BALAGTASAN

Karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya at kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa paggawa ng tula, pagbigkas ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at sanaysay, pagpupulong, at talakayan gamit ang wikang Filipino. Upang mapahalagahan ang sariling wika, nagkakaroon din ng mga patimpalak sa pagsusulat ng slogan, paggawa ng poster at marami pang aktibidad mula sa iba’t ibang sulok ng bansa lalong lalo na dito sa Divine Word College of Urdaneta na kung saan ginanap ang makahulogan at matagumpay na selebrasyon noong alas otso ng umaga ika-27 ng Agosto, 2010 sa St. Michael’s Gymnasium sa sekundarya at sa ala una y media ng hapon naman ang sa kolehiyo.

Puno ng pagbati at pagpupuri narito ang listahan ng mga nagwagi:

 

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: